dzme1530.ph

Mahigit ₱3.4-M na halaga ng hinihinalang shabu, nasabat sa buy-bust operation sa isang mall sa Parañaque City

Timbog ang tatlong suspek sa ikinasang drug buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) –  NCR District Office sa pakikipagtulungan sa Philippine National Police sa lungsod ng Parañaque.

Sa inisyal na impormasyon ng PDEA, kumagat sa pain ng mga awtoridad ang mga suspect sa isinagawang operasyon sa basement parking ng isang mall sa Bicutan, sa Brgy. Don Bosco.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang tinatayang 500 grams ng hinihinalang shabu na may street value na aabot sa ₱3.4-M.

Mahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

About The Author