dzme1530.ph

Mabilis na pagtugon ng mga pulis sa hostage-taking sa Taytay, Rizal, pinuri ni PNP Chief Marbil

Matagumpay na napasuko ng Philippine National Police ang suspek sa pang-hohostage sa isang bata sa Taytay, Rizal nitong Sabado, dahil sa tactical expertise at skilled negotiation.

Ito ayon kay PNP Chief, Gen. Rommel Francisco Marbil, sa pagsasabing ipinakita ng mga pulis ang tapang at propesyonalismo sa pagresolba ng sitwasyon na patunay ng matibay na dedikasyon ng mga ito sa pagtiyak ng kaligtasan ng publiko.

Matatandaang, isang construction worker ang nang-hostage sa sarili nitong anak na agad naman nirespondehan ng otoridad.

Matapos ang dalawang oras na negosasyon, napasuko ang suspek at nailigtas ang bata. —ulat mula kay Allen Ibañez, DZME News

About The Author