Inaasahan ni Presidential Communications Office (PCO) Sec. Jay Ruiz ang maayos na leadership transition sa People’s Television Network (PTV).
Kasunod ito ng appointment ni dating Executive Secretary Oscar Orbos bilang pinuno ng state-run television network.
Sa briefing sa Palasyo, sinabi ni Ruiz na ipino-proseso na ang appointment ni Orbos bilang Acting PTV General Manager matapos maghain ng courtesy resignation ang papalitan nito na si Toby Nebrida.
Unang nang inihayag kagabi ng PCO chief na ang pagbabago sa liderato sa PTV ay bunsod ng reklamo ng mga empleyado laban kay Nebrida na itinalaga sa posisyon noong June 2024.