dzme1530.ph

LTO, sinuspinde ng isang taon ang lisensya ng apat na bus drivers na tumakas sa random drug test sa PITX

Suspendido ng isang taon ang lisensya ng apat na bus drivers na kabilang sa isinailalim sa biglaang random drug test sa Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX).

Hawak ngayon ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensya ng apat na tsuper ng bus na tumakas at hindi nagpasa ng sample ng ihi upang masuri kung gumagamit sila ng iligal na droga.

Ipatatawag umano ng LTO ang apat na bus drivers, bagaman wala pang sinasabi ang ahensya kung ano ang sunod na mangyayari sa mga tumakas na bus drivers.

Samantala, hindi naman problema ang pagkuha ng tickets sa PITX dahil sapat umano ang bilang ng mga bus para ma-accommodate ang mga pasaherong magbabakasyon sa mga probinsya ngayong Holy Week break.

About The Author