dzme1530.ph

LPA, magdadala ng mga pag-ulan sa bansa

Magpapatuloy parin ang pag-ulan dala ng Low Pressure Area (LPA) sa ibat-ibang panig ng bansa.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), muling namataan ang LPA sa layong 180 kilometer kanlurang bahagi ng Butuan City sa Agusan Del Norte.

Ang LPA ang magdadala ng katamtaman hangang malalakas na pag-ulan sa bahagi ng Metro Manila, Bicol Region, MIMAROPA at CALABARZON.

Asahan naman ang mahina hangang katamtamang pag-ulan sa bahagi ng Batanes, Cagayan, Apayao at Ilocos Region.

Pinag-iingat din ng PAGASA sa mga posibleng pagbaha at landslides dala ng mga pag-ulan mula sa LPA.

Kaya naman magdala ng payong at kapote sa mga lalabas ng bahay dahil magiging maulan ang unang araw ng weekdays.

About The Author