Inaasahang darating ngayong Lunes sa Cauayan ang mga bangkay ng mga pasahero ng Cessna plane na bumagsak sa Isabela noong Enero, ayon sa Provincial Risk Reduction and Management Office.
Sinabi ni Isabela PDRRMO head Constante Foronda Jr., kahapon ng hapon ay dumating ang mga labi ng piloto at mga pasahero ng sinawimpalad na eroplano sa Divilacan.
Inihayag din ni Foronda na sa sandaling mai-biyahe ang mga bangkay sa Cauayan ay magsasagawa ng imbestigasyon ang personnel mula sa Civil Aviation Authority of the Philippines sa bumagsak na Cessna plane.
Idinagdag ni Foronda na walang dinalang bahagi ng eroplano ang retrieval team dahil ang kabilin-bilinan aniya ng CAAP ay huwag itong gagalawin.