dzme1530.ph

KYLIE PADILLA, NILINAW ANG PAHAYAG NA AALIS NA SIYA NG PILIPINAS

Loading

Nilinaw ni  Kylie Padilla ang kanyang  naging sagot  na aalis na siya  ng Pilipinas, sa tanong hinggil sa posibleng pagtako ng kanyang ama na si Senador Robin Padilla sa mas mataas na posisyon.

 

Kasunod ito ng lumutang na Duterte-Padilla tandem sa 2028 national elections.

 

Sa instagram ng aktres, ipinaliwanag niya, na ang kanyang  sagot na aalis na sa Pilipinas, ay dahil nais  niya  ng  tahimik  na buhay at  hindi aniya para insultuhin ang ama.

 

Idinagdag ni Kylie na may tiwala siya sa judgement ng kanyang ama at sa magagandang ginagawa nito sa bansa.

 

Ayon sa kapuso actress, karapatan niyang pumili at magkaroon ng tahimik na buhay.

 

Sa hiwalay na post sa social media, hiniling ni  Kylie na huwag gamitin ang kanyang naging komento laban sa amang senador.

About The Author