dzme1530.ph

Kultura at kaugalian ng kabataan, nasisira dahil sa online gambling

Nangangamba si Senador Lito Lapid na maraming kabataan ang nasisira ang kinabukasan kung magpapatuloy ang mga naglipanang mga online gambling sa bansa.

Sinabi ng chairman ng Senate Committee on Games and Amusement, kailangang masawata ang pagkalat na iba’t ibang uri ng sugal online na madaling ma-access ng kabataan sa Facebook, X o dating Twitter, Instagram, at TikTok.

Kinabibilangan ito ng mga Laro sa Casino, Poker, Roleta at Color Games.

Binabala ni Lapid na kung hindi ito maagapan ng gobyerno ay tuluyang makakasira moral at values ng kabataan.

Kapag nalulong na sa online gambling ang mga kabataan ay tiyak matuto na ang mga ito na magsinungaling at magnakaw at unang kanilang maging biktima ay kanilang mismong mga magulang.

Sinabi ni Lapid na maghahain ito ng resolution upang maimbestigahan ng Senado ang naglipanang online gambling.

About The Author