dzme1530.ph

Koneksyon ng POGO “big boss” at ni Alice Guo, patutunayan ng witness ng PAOCC

Ibinunyag ng isang testigo na nasaksihan nito ang live-selling ng sex videos na ginawa sa POGO hub sa Porac, Pampanga, na maaaring makapag-establish ng koneksyon sa pagitan ng umano’y POGO big boss na si Lin Xunhan at dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Ayon sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), patutunayan ng hawak nilang witness ang ugnayan sa pagitan nina Guo at Lin na kilala rin bilang Lyu Dong o Boss Boga.

Itinuturing umano ito bilang godfather o “boss of all bosses” sa POGOs, na nagpasimula ng kanyang mga operasyon sa pilipinas.

Samantala, sinabi ng PAOCC, na ang tinatawag naman na “Madam Hua” na si Guo, ang nagbibigay ng direktang report kay Lin.

Inihayag ni PAOCC Executive Director Gilbert Cruz na mahalaga ang statement ng kanilang testigo, pati na ang nalalaman nito tungkol sa operasyon.

Si Lin Xuhan ay inaresto noong nakaraang Huwebes sa ilalim ng mission order ng Bureau of Immigration. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author