dzme1530.ph

Kaso ng mga Pinay na ginawang surrogate mothers sa Cambodia, bubusisiin ng Senado

Nais ni Sen. Risa Hontiveros na magsagawa ng imbestigasyon ang Senado sa napaulat na kaso ng mga Pilipinang nasagip sa Cambodia na ginawang “baby-maker” o surrogate mothers.

Inihain ni Hontiveros ang Senate Resolution 1211 na nag-aatas sa Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality na kanyang pinamumunuan na silipin ang human-trafficking case sa mga Pinay sa abroad na bahagi ng infant-trafficking scheme.

Sa ulat, umaabot sa 20 Pilipina ang nasagip ng mga Cambodian police sa Kandal province na ginagamit para sa surrogacy o pagbubuntis para sa anak ng iba.

Sa naturang bilang, 13 ang buntis ngayon habang ang pito ay nakatakdang i-repatriate pabalik ng Pilipinas.

Ang mga Pinay ay na-recruit sa pamamagitan ng online at karamihan pa sa mga ito ay batid kung ano ang papasuking gawain sa abroad.

Nauna namang nagbabala ang Department of Foreign Affairs tungkol sa bagong human-trafficking scheme na tumatarget ngayon sa mga Pinay.

 

About The Author