Nakiisa ang Kamara sa pangunguna ni House Speaker Martin Romualdez sa pagdadalamhati ng mga Novo Ecijano sa pagpanaw ng dati nitong gobernador at kongresista Eduardo Nonato “Edno” Joson.
Inilarawan ni Romualdez si Joson na nakasama niya noong 14th Congress bilang “tunay na statesman” at ang dedikasyon sa public service ay nag-iwan ng matibay na pundasyon sa lalawigan ng Nueva Ecija at sa buong bansa.
Ang pagyao nito ay tiyak na mararamdaman umano ng mga nakasama nito sa trabaho, lalo na ang mga natulungan nito.
Bilang miyembro ng Kamara, nagsulong umano si Joson ng mga hakbanging magpapabuti sa kapakanan ng tao partikular sa pagpapa-unlad ng sektor ng pagsasaka, kanayunan, at pagpapatatag ng ekonomiya at violence free society.
Bukod sa pagiging kongresista at gobernador ng Nueva Ecija, nagsilbi din itong administrador ng National Food Authority (NFA).
Kasama ang 306-House members, sila umano ay kaisa ng mga mamamayan ng Nueva Ecija, ang rice granary ng bansa, sa pagbibigay pugay sa legasiya ni Joson sa public service at malinis na panunungkulan.