dzme1530.ph

Kakulangan ng suplay ng isda sa buong bansa, hindi pa nakikita

Walang nakikitang magiging kakulangan ng supply ng isda dahil sa oil spill sa Oriental Mindoro ang Department of Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.

Sinabi ni DA-BFAR Spokesperson Nazario Briguera, na umaabot lamang sa 3,119 metric tons ng isda ang supply na nakuha sa Oriental Mindoro mula sa kabuuang 4,339,888.75 metric tons ng produksyon ng isda sa bansa noong 2022.

Gayunpaman, hindi isinasantabi ng ahensya ang epekto sa kapaligiran ng oil spill sa Oriental Mindoro.

Nauna nang nakapagbigay ang DA-BFAR ng P19.1-M halaga ng tulong pangkabuhayan sa mga apektadong mangingisda

About The Author