dzme1530.ph

Kai Sotto, nais na lumahok sa 2023 FIBA World Cup

Gusto pa ring maglaro ng 7’3 center na si Kai Sotto sa Gilas Pilipinas.

Ito ang nasabi ng basketbolista matapos na hindi makasama sa huling window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers sanhi ng pagpirma nito ng kontrata sa Japan B League.

Ayon kay Sotto, hindi makakahadlang sa paglalaro niya sa Gilas Pilipinas ang paglalaro niya sa Japan B League dahil matatapos ang kontrata niya sa Mayo.

Makakasali pa aniya siya sa pagsabak sa ng Gilas sa FIBA World Cup na gaganapin sa Agosto.

Samantala, walang katiyakan mula kay Sotto kung makakapaglaro siya para sa National Basketball team na gaganapin sa Cambodia ngayong Mayo.

About The Author