dzme1530.ph

Kahalagahan ng Vitamin D at mga pagkaing maaring mapagkunan nito, alamin

Ang Vitamin D ay isang mahalagang bitamina na kilalang nakukuha mula sa sinag ng araw at sa ilang pagkain. Tumutulong ito sa mas maayos na pag-absorb ng calcium sa katawan na mahalaga sa pagpapatibay ng mga buto at ngipin.

Malaki rin ang papel ng Vitamin D sa paglago, paglaki, at tamang pagkakahulma ng mga cells ng buto. Mahalaga rin ito sa pagkakabuo at paglago ng ilan pang mga cells sa katawan, maayos na paggana ng mga kalamnan at neurons, pati na sa pagpapatibay ng resistensya.

Ang kakulangan ng Vitamin D sa katawan ay maaring magresulta sa pagnipis at pagrupok ng mga buto, paglambot at pamamaluktot ng mga buto o rickets sa mga bata at maagang pagrupok ng mga buto  o  Osteomalacia sa matatanda.

Kabilang naman sa mga pagkain maaring mapagkunan ng Vitamin D ay ang Cod liver oil, Tuna, Salmon, gatas, margarina, sardinas, atay, at pula ng itlog.

About The Author