dzme1530.ph

Justice sector, hinikayat ng Pangulo na isulong ang streamlining at digitalization upang ma-resolba ang jail congestion

Hinikayat ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Justice Sector Coordinating Council (JSCC) na isulong ang streamlining ang digitalization sa kanilang frontline at backend services, tungo sa pag-resolba sa malalang problema ng jail congestion o matinding siksikan sa mga kulungan sa bansa.

Sa talumpati ng Pangulo na binasa ni Executive Sec. Lucas Bersamin sa National Jail Decongestion Summit sa Maynila, binigyang diin na sa pamamagitan ng teknolohiya at innovative practices, mapalalakas ang efficiency, maiibsan ang delays, at matitiyak ang mabilis at patas na legal proceedings para sa lahat.

Sinabi pa ni Marcos na kina-kailangan ang whole of gov’t approach para sa epektibong pagpapalaganap ng hustisya sa bansa.

Umaasa ang chief executive na sa pamamagitan ng Jail Decongestion Summit ay mabubuo ang mas maayos na mga polisiya at inisyatibong tutugon sa mga pinag-ugatan ng jail congestion.

Ang JSCC ay binubuo ng Korte Suprema, Dep’t of Justice, at Dep’t of the Interior and Local Gov’t. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author