dzme1530.ph

Justice Sec. Boying Remulla, ipagpapatuloy ang naudlot na case conference sa mga pamilya ng mga nawawalang sabungero

Pupulungin ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang mga pamilya ng mga nawawalang sabungero, para sa monthly case conference.

Kasunod ito ng reklamo ng mga pamilya na kawalan ng updates sa kaso ng kanilang mga kaanak at mahal sa buhay.

Natigil ang case conference matapos magkaroon si Remulla ng kumplikasyon sa kanyang immune system makaraang sumailalim sa bypass operation noong nakaraang taon.

Tiniyak naman ng Kalihim na hindi titigil ang DOJ hangga’t hindi nila nakakamtan ang hustisya na kanilang ipinangako sa mga pamilya ng mga nawawalang sabungero.

About The Author