dzme1530.ph

Ipinangakong bakuna ng COVAX sa Pinas, naka-hold pa

Naantala ang pagdating ng Covid-19 bivalent vaccines na donasyon ng COVAX Facility sa Pilipinas.

Ayon sa DOH, ito’y makaraang magwakas ang State of Calamity for COVID-19 sa bansa noong Disyembre 31, kung saan nagkaroon ng pagbabago ng kondisyon sa immunity mula sa liability at indemnification clauses na requirement ng mga manufacturer.

Pagtitiyak ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, gagawin nila ang lahat ng legal na hakbang upang magpursigi at matuloy ang pledge ng ‘vaccine sharing scheme’ ng United Nations.

Ang bivalent vaccine ay tumutulong sa katawan na labanan ang Omicron variant ng COVID-19.

Nakatakda sanang matanggap ng bansa ngayong buwan ang nasa 1,002,000 doses ng nasabing bakuna na ipinangako ng COVAX sa Pilipinas

About The Author