dzme1530.ph

Imbestigasyon sa pagbebenta sa mga stock na bigas, suportado ng grupo ng mga magsasaka

Suportado ng Federation of Free Farmers ang imbestigasyon ng Department of Agriculture sa pagbebenta ng buffer stocks ng National Food Authority.

Sinabi ng grupo ng mga magsasaka na ang hakbang ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel na suspindihin si NFA Administrator Roderico Bioco, at 138 pang mga opisyal, ay agad magpapatigil sa mga iligal na aktibidad sa ahensya.

Inhayag ni FFF Chairman at dating Agriculture Secretary Leonardo Montemayor, na kailangang maglatag ng mga probisyon para sa pangangasiwa ng NFA sa mga stock na bigas upang maiwasan ang posibleng mga pang-a-abuso.

Si Bioco, kasama ang 138 pa na NFA officials ay sinuspinde ng Office of the Ombudsman ng anim na buwan, simula noong Lunes.

About The Author