Nakahukay ang mga otoridad ng mga hinihinalang Improvised Explosive Devices (IEDs) at mga bala sa Compound na kumpanyang pinamumunuan ni dating Negros Oriental Governor Pryde Henry Teves.
Ayon sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), isang informant na kabilang sa mga nagbaon ng mga hinihinalang IED at mga bala, ang nag-tip sa mga otoridad.
Bunsod nito, sinabi ng CIDG na mahaharap ang dating Gobernador sa mga reklamong Illegal possession of firearms.
Noong Biyernes ay sinimulan ng CIDG ang pagpapatupad ng Search Warrant kaugnay ng paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act sa Compound na umano’y pag-aari ni Pryde Henry na kapatid ni suspended Negros Oriental Cong. Arnolfo “Arnie” Teves Jr.