dzme1530.ph

Hans Leo Cacdac, nanumpa na bilang DMW ad interim Sec.

Nanumpa na si Hans Leo Cacdac bilang ad interim Secretary ng Dep’t of Migrant Workers.

Pinangunahan ni Executive Sec. Lucas Bersamin ang oath taking ni Cacdac sa Malakanyang.

Mababatid na muling itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Cacdac bilang ad interim Sec. ng DMW, makaraang ma-defer ang kanyang confirmation sa Commission on Appointments.

Tiniyak naman ng Palasyo na nananatili ang tiwala at kumpiyansa ng Pangulo kay Cacdac.

Si Cacdac ay una nagsilbing officer-in-charge ng DMW makaraang pumanaw si former DMW Sec. Susan “Toots” Ople noong Agosto 2023.

About The Author