dzme1530.ph

Halos 180k na mga deboto, nakiisa sa mga aktibidad ng Simbahan ng Quiapo sa katatapos lamang na Semana Santa

Umabot sa 179,508 na mga deboto ang bumisita at lumahok sa mga prusisyon sa Simbahan ng Quiapo, noong Huwebes Santo at Biyernes Santo, at kahapon, Linggo ng Pagkabuhay.

Sa datos mula sa Quiapo Church, 57,005 ang bumisita sa Simbahan noong Huwebes Santo, mula ala-6 ng umaga ng April 6 hanggang ala una ng madaling araw noong April 7.

23,350 naman ang nakilahok sa motorcade at parada ng Itim na Nazareno na nagsimula ng 11:13pm noong Huwebes at natapos ng 12:31 am ng Biyernes kung saan lumobo pa ang bilang ng mga deboto sa 38,000.

Samantala, naitala naman sa 15,630 ang mga bumisita sa Simbahan ng Quiapo noong Biyernes Santo simula ala-6 ng umaga hanggang ala-6 ng gabi.

Kahapon, Easter Sunday, 42, 523 na mga deboto ang nagsimba sa Quiapo Church, simula 5am hanggang 11am.

 

About The Author