dzme1530.ph

Ginang, arestado sa pambubugaw ng sariling mga anak online

Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang babae na umano’y inaalok ang sariling mga anak para sa online sexual exploitation.

Nasagip ng NBI ang dalawang anak na babae ng suspek na edad labing isa at labing tatlo, pati na ang isang walong taong gulang na kapitbahay sa isinagawang operasyon.

Nag-ugat ang pagdakip sa babae mula sa mga litrato at video na nakuha mula sa isang suspek na naaresto sa ibang bansa at ibinigay sa NBI ng kanilang foreign counterpart.

Nahaharap ang ginang sa paglabag sa Anti-Online Sexual Exploitation and Abuse Act, Child Abuse, pati na Sexual Abuse.

About The Author