dzme1530.ph

Food packs, ipinadala na sa mga inilikas kasunod ng pagputok ng Bulkang Kanlaon —Pangulo

Pinadalhan na ng food packs ang libu-libong residenteng inilikas kasunod ng pagputok ng Bulkang Kanlaon sa Negros Island.

Sa ambush interview sa Pulilan Bulacan, inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na nagtungo na sa Negros si DSWD Sec. Rex Gatchalian ngayong umaga.

Tiniyak ni Marcos na nakahanda ang pamahalaan na hatiran ng tulong ang lahat ng ililikas.

Samantala, binabantayan rin ng Dep’t of Environment and Natural Resources at Dep’t of Science and Technology ang kalidad ng hangin sa lugar, upang matukoy kung kinakailangan pang dagdagan ang mga ililikas sakaling mapanganib na ang lebel ng toxic gas na nanggagaling sa bulkan.

Ayon sa Office of Civil Defense, tinatayang nasa 87,000 katao ang inililikas dahil sa pagputok ng bulkang Kanlaon. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author