dzme1530.ph

“FLiRT” Covid-19 variant mula Singapore, posibleng nakapasok na sa Pilipinas

Posibleng nakapasok na sa Pilipinas ang bagong “FLiRT” Covid-19 variant mula Singapore.

Sa press briefing sa Malacañang, inihayag ni Health Sec. Ted Herbosa na tinukoy na bilang variant under monitoring ang FLiRT variant.

Kaugnay dito, pinayuhan na ang mga doktor at mga ospital na i-ulat ang resulta ng antigen testing sa kanilang epidemiology bureau.

Sa kabila nito, hindi pa inire-rekomenda ng DOH ang border control, travel restrictions, mandatory face mask, at karagdagang vaccination, at ang tanging ipinapayo lamang nito sa publiko ay ang pagsunod sa minimum health standards.

Nilinaw din nito na very low o napakababa pa ng healthcare utilization sa mga ospital, at isang pagamutan lamang ang nakapagtala ng pagtaas ng kaso ng Covid-19 kung saan nag-positibo sa virus ang ilang health professionals.

About The Author