dzme1530.ph

Face to face classes sa lahat ng antas sa pribado at pampublikong paaralan sa Pasay, kanselado

Muling kinansela ng Pasay City LGU ang face to face classes sa lahat ng antas sa pribado at pampublikong paaralan sa lungsod ngayong araw.

Itoy dahil sa patuloy na banta ng mas matinding init ng panahon o heat index, na lubhang mapanganib para sa mga guro at mag aaral.

Alinsunod narin sa nasabing suspension ang Executive Order no. 42 na inilabas ni Mayor Imelda Calixto-Rubiano kaugnay ng pagkansela ng face to face classes

Base sa inilabas na Climate Heat Index forecast ng PAGASA-DOST, papalo pa rin sa 42 °C o higit pa ang mararanasang temperatura ngayong araw.

Muling hinimok ng LGU ang mga guro na gawin online o modular ang pagtuturo sa studyante upang hindi lumiban sa klase ang mga mag aaral.

About The Author