Magsisilbing caretakers ng bansa sina Executive Sec. Lucas Bersamin, Justice Sec. Jesus Crispin “Boying” Remulla, at Agrarian Reform Sec. Conrado Estrella III.
Ito ay habang nasa Lao People’s Democratic Republic si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa pagdalo sa 44th at 45th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit.
Ayon kay Presidential Communications Office Sec. Cesar Chavez, magkakaroon ng Executive Committee ang caretakers na pamumunuan ni Bersamin, at magsisilbing mga miyembro sina Remulla at Estrella.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na hindi itinalagang caretaker ng bansa si Vice President Sara Duterte habang nasa foreign trip ang Pangulo. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News