Pinagtibay ng Supreme Court ang kapangyarihan ng Energy Regulatory Commission (ERC) na obligahin ang mga consumer na magbayad ng bill deposits bilang seguridad para kanilang electric bills.
Sa 32-pahinang desisyon ng Supreme Court en banc, nakasaad na ang paniningil ng bill deposits ay valid exercise ng rate-fixing power ng ERC upang matiyak ang economic viability ng distribution utilities.
Ang pahayag ay kaugnay sa pagbasura ng Kataas-taasang Hukuman sa petisyon na kumu-kwestyon sa kapangyarihan ng ERC na payagan ang distribution utilities, gaya ng Meralco, na mangolekta ng bill deposits mula sa kanilang customers.
Sa ilalim ng Magna Carta for Residential Electricity Consumers na isinapubliko noong 2004, obligado ang mga consumer na magbayad ng bill deposits bilang garantiya sa kanilang electric payments. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera