Bagama’t aminado si dating Senador Juan Ponce Enrile na panahon nang baguhin ang economic provision sa konstitusyon, tutol ito sa pagbuo ng constitutional convention upang talakayin ang mga amendments na dapat gawin dahil masyado itong magastos.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Constitutional Amendments, sinabi ni Enrile na suportado niya ang panukala ni Senador Robin Padilla na amyendahan ang economic provisions sa konstitusyon sa pamamagitan ng Con-Ass.
Samantala, bukod sa economic provision, iginiit ni Enrile na panahon na ring alisin ang restriksyon sa saligang batas kaugnay sa pagbili natin ng nuclear weapon.
Iginiit ni Enrile na dapat matuto ang bansa na protektahan ang mamamayan nito sa pamamagitan ng pagkakaroon din ng nuclear weapon at upang hindi tayo nabubully ng ibang bansa.
Bukod dito panahon na rin anyang pag-isipan ng gobyerno ang pagkakaroon ng alternative fuels at huwag umasa sa suplay ng langis sa ibang bansa.
Kasabay nito, nag-warning si Enrile sa planong pagpapalit ng porma ng gobyerno upang gawing pederalismo dahil hindi anyalahat ng bansa ay may kakayahang mapagtagumpayan ang federal system.