Pinuna ni Senador Ramon Bong Revilla, Jr. ang Bureau of Immigration (BI) sa mga kaso ng offloading kasama na ang nag-viral na reklamo ng isang Pinay na naiwan ng kanyang flight patungong Israel dahil sa matagal na screening na ginawa ng BI personnel.
Ani Revilla, marami na silang natatanggap na reklamo ukol sa offloading nitong nakaraang taon kabilang na ang kaibigan ni Cong. Bryan Revilla na magtutungo lang sa Singapore subalit dalawang beses na na-offload sa kabila ng pakikipag-ugnayan ng tanggapan ng senador sa BI.
Sa datos ng Immigration Department, nasa 32,404 na pasahero ang na-offload kung saan, ani Revilla, 1.45% lamang ang may kinalaman sa human trafficking habang mahigit 95% ang inabala at pinagastos lamang na aniya ay isang kalokohan at malaking kahihiyan.
Paniwala ni Revilla ang ginagawang ito ng BI ay harapang pagyurak sa constitutionally guaranteed right to travel ng isang malayang mamamayan.