Nakapaglabas na ang Department of Social Welfare and Development ng mahigit ₱1.8 milyong piso na halaga ng tulong sa mga lugar na naapektuhan ng matinding pag-ulan dulot ng Low-Pressure Area.
Ayon sa DSWD, ipinaabot ang humanitarian aid sa mga apektadong bayan sa western Visayas, Zamboanga Peninsula, at Davao Region.
Namahagi rin ang DSWD field offices ng family food packs at iba pang non-food items tulad ng hygiene, sleeping, at family kits.
Sinabi rin ng kagawaran na mayroon pa silang 748.73 milyong piso na Quick Response Fund at 76.44 milyong piso na Standby Funds sa field offices.
Naka-antabay din ang mahigit 636,000 family food packs na maaaring ipadala sa mga apektadong Local Government Units.
Ayon sa PAGASA, inaasahang patuloy na magdadala ng pag-ulan ang LPA sa malaking bahagi ng bansa.