dzme1530.ph

Dolores, Eastern Samar, niyanig ng magnitude 5.1 na lindol, kaninang madaling araw

Inuga ng magnitude 5.1 na lindol ang bayan ng Dolores sa Eastern Samar, alas 12:20 kaninang madaling araw.

Natunton ng PHIVOLCS ang epicenter ng lindol na tectonic in origin, 53 kilometers, timog-silangan ng Dolores, at may lalim na 25 kilometers.

Naitala ang instrumental intensity 3 sa Can-avid, Eastern Samar at Dulag, Leyte habang instrumental intensity 2 sa Alangalang, Abuyog, at Hilongos sa Leyte.

Instrumental intensity I naman ang naitala sa Quinapondan, Eastern Samar; Leyte, Carigara, Mahaplag, at Albuera sa Leyte; Villareal sa Samar; at Sogod sa Southern Leyte.

Wala namang inaasahang pinsala sa naturang pagyanig subalit posible ang aftershocks.

About The Author