Hiniling ng state prosecutors sa Muntilupa City Court na baliktarin ang Acquittal kay dating Sen. Leila de Lima, at sa dati nitong body guard na si Ronnie Dayan sa mga kasong may kaugnayan sa droga.
Inihain ng Department of Justice Panel of Prosecutors ang kanilang Motion for Reconsideration sa Muntinlupa City Regional Trial Court Branch 204.
Nitong Mayo ay pinawalang sala ng Korte ang dating senador kasunod ng recantation o pagbawi ni dating Bureau of Corrections officer-in-charge Rafael Ragos sa alegasyon nito laban kay de Lima.
Sa 39 na pahinang desisyon, sinabi ng Muntinlipa RTC na bagaman na-establish ng prosekusyon ang talamak na kalakalan ng iligal na droga sa New Bilibid Prison, nagkaroon ng pagdududa sa pagkakasangkot dito nina de Lima at Dayan matapos bawiin ni Ragos ang kanyang naunang salaysay.
Inihayag naman ng kampo ng dating senador na sasagutin nila ang apela ng pamahalaan.