Binalaan ng Department of Health (DOH) ang mga deboto laban sa paghahampas ng sarili at pagpapapako sa krus bilang bahagi ng kanilang penitensya ngayong Holy Week.
Paliwanag ni Health Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire, posible itong magresulta sa tetanus o impeksyon dahil sa bacteria na clostridium tetani.
Gayunpaman, hinikayat ni Vergeire ang mga deboto na sundin na lamang ang ibang aktibidad maliban sa mga nabanggit na traditional religious practices. —sa panulat ni Airiam Sancho