dzme1530.ph

DOH, 399 new COVID-19 cases naitala, bahagyang tumaas

399 na mga bagong kaso ng COVID-19 ang naitala ng Department Of Health (DOH), dahilan para lumobo na sa 4,071,963 ang nationwide caseload.

Sa pinakahuling datos mula sa DOH, bahagyang tumaas sa 10,587 ang active cases kahapon mula sa 10,555 noong sabado.

Samantala, nadagdagan ng 377 ang mga pasyenteng gumaling kaya umakyat na sa 3,995,682 ang total recoveries.

Nakapagtala rin ang DOH ng labing-apat na mga bagong nasawi kaya pumalo na sa 65,694 ang Death toll.

About The Author