Bubusisiin ng Department of Energy (DOE) ang desisyon at epekto ng Supreme Court (SC) ruling na sinasabing “void at unconstitutional” ang Joint Marine Seismic Undertaking (JMSU) sa China at Vietnam.
Ayon kay DOE Undersecretary Alessandro Sales, pinag-aaralan nila ang nasabing desisyon at nakikipag-ugnayan na sila sa Office of the Solicitor-General at sa Department of Justice para malaman ang kanilang mga susunod na hakbang.
Base sa report, ipinalabas na unconstitutional ang JMSU sa South China Sea noong Enero 2023 dahil pinahintulutan nito na galugarin ng dayuhan ang pag-aari ng bansa.
Matatandaan na ang JMSU ay isang kasunduan ng Philippine National Oil Company (PNOC), China National Offshore Oil Corp., at Vietnam Oil Gas Corp. na may kinalaman sa 142,886 square kilometers sa South China Sea.