dzme1530.ph

Dating pulis, kabilang sa 7 POIs sa kaso ng pagkawala ng beauty pageant candidate at kasintahang Israeli

Isang dating pulis ang kabilang sa 7 persons of interest sa pagkawala ng beauty pageant contestant at kanyang Israeli boyfriend sa Central Luzon.

Ayon kay PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Chief, P/Maj. General Leo Francisco, nakikipag-cooperate naman sa imbestigasyon ang dating pulis na nagsilbing middleman para sa magkasintahan na nais bumili ng property sa Capas, Tarlac.

Sa preliminary investigation, isiniwalat aniya ng middleman na nakausap nito ang magkasintahan at naghiwalay sila matapos bisitahin ang property, hanggang sa mabalitaan nalang nito ang tungkol sa natagpuang inabandonang sasakyan.

Sinabi pa ni Francisco na tatlong matitibay na motibo ang nasa likod ng pagkawala nina Mutya ng Pilipinas Pampanga Bet Geneva Lopez at Yitshak Cohen, subalit hindi pa nila maaring ibunyag ang impormasyon.

About The Author