dzme1530.ph

Dating Pangulong Duterte, nagbantang kakasuhan ang mga pulis na sumalakay sa properties ni Pastor Quiboloy

Nagbanta si dating Pangulong Rodrigo Duterte na kakasuhan niya ang mga pulis na sumalakay sa properties ng kanyang malapit na kaibigan na si Pastor Apollo Quiboloy sa Davao City.

Iginiit ni Duterte na ang mga raid na isinagawa ng PNP Special Action Force at Criminal Investigation and Detection group ay “overkill” at hindi dapat palampasin.

Noong Marso ay itinalaga ang dating pangulo bilang administrator ng mga property ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na itinatag ni Quiboloy.

Sinabi ni Duterte na walang iprinisintang search warrants ang mga pulis sa lahat ng properties na pag-aari ng KOJC.

Idinagdag ni Duterte na ipinag-utos na niya ang paghahanda ng affidavits ng lahat ng mga na-agrabyadong miyembro at na-trauma sa insidente, pati na ang inventory ng mga nasirang gamit ng simbahan.

About The Author