Maaari nang makabili ang mga benepisyaryo ng P29 na kada kilo ng bigas ng hanggang tatlumpung (30) kilo kada buwan.
Ito’y makaraang triplehin ng Department of Agriculture (DA) ang monthly allocation para sa naturang programa.
Ginawa ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel ang anunsyo sa “Trabaho at Serbisyong Pangkalusugan sa Bagong Pilipinas.”
Sinabi ng Kalihim na ang bagong polisiya ay agad ipatutupad sa buong bansa.
Dahil dito, hinimok ni Tiu Laurel ang mga benepisyaryo na samantalahin ang bagong polisiya.
Available ang P29 per kilo ng bigas sa Kadiwa Stores at Centers, na ang mga benepisyaryo ay mula sa vulnerable sectors, gaya ng senior citizens, PWD’s o persons with disabilities, solo parents, at indigents.