Iba’t ibang trabaho ang naghihintay sa mahigit tatlunlibong (3,000) Pilipino sa hotel industry sa Croatia.
Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), naghahanap ang European country ng housekeepers, front desk staff, at iba pa.
Ang hiring process ay sa pagitan ng Pilipinas at Croatia, na ang ibig sabihin ay walang babayarang anumang placement fee ang mga aplikante, dahil ang DMW ang magpo-proseso ng aplikasyon.
Sinabi ni DMW Undersecretary for Policy and International Cooperation Patricia Yvonne Caunan, na kailangan ng Croatia ng workers ngayong summer sa huling bahagi ng Abril at Mayo.