Tinatayang tataas ang Consumer Spending sa susunod na taon ayon sa BMI Country Risk and Industry Research, ito ay dahil bumuti ang Consumer Confidence sa second at third quarter ng taon bunga ng paglago ng Ekonomiya, Matatag na Jobless Rate, at Pagbagal ng Inflation.
Kaugnay nito, nakikitang lalago ang household spending sa 6.3 percent sa 2024 o katumbas ng 12.8 Trillion Pesos subalit ang paghina naman ng piso ay maaaring humantong sa pagbawas ng mga remittances na posibleng magdulot sa mababang consumer confidence.
—Ulat ni Airiam Sancho, DZME News