Nasa kustodiya na ng NAIA PDEA-IADITG ang babaeng claimant ng apat na parcel na naglalaman ng higit sa 32 kgs na hinihinalang shabu mula Zimbabwe.
Ang babaeng claimant na kinilalang si Christine Tigranes ay inaresto kagabi sa isang warehouse sa NAIA Complex matapos niyang i-claim ang parcel kung saan nakalagay ang bulto-bultong shabu.
Natuklasan ng Bureau of customs at NAIA-PDEA ang laman ng apat na parcel na ideklarang machinery muffler, matapos dumaan sa X-ray machine at physical examination, kung saan inilagay sa loob ng makapal na bakal o machinery parts ang 32.13 kgs na hinihinalang shabu na may standard drug price na aabot sa P218.484,000-M ang halaga nito.
Depensa ng suspek inutusan lang daw siya ng kanyang Amo o “Boss” para kunin ang naturang parcel mula Zimbabwe, Africa.
Nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad kung sinu-sino ang mga sangkot sa tangkang pagpupuslit ng mga illegal na droga papasok sa bansa.
Nahaharap naman ang suspect sa kasong paglabag sa RA act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.