Tumakas na palabas ng bansa ang chief of staff ni Vice President Sara Duterte na si Usec. Zuleika Lopez.
Sa impormasyon ng Bureau of Immigration kay Manila 3rd District Representative Joel Chua, chairman ng House Blue Ribbon panel, 7:31 ng gabi nitong November 4, lumipad patungong Los Angeles, California si Lopez sakay ng Phil. Airlines flight PR 102.
Una nito hiniling ni Chua sa Department of Justice na isailalim si Lopez at anim na OVP officials sa Immigration Lookout Bulletin matapos makatanggap ng impormasyon ukol sa posibleng paglabas nito sa bansa.
Kasunod ng impormasyon, inisyuhan na ng subpoena ad testificandum ang anim pang opisyal sa katauhan nina Assistant Chief of Staff and Bids and Awards Committee Chair. Lemuel Ortonio, Administrative and Finance Service Director Rosalynne Sanchez, Special Disbursing Oficer (SDO) Gina Acosta, Chief Accountant Julieta Villadelrey, former DepEd Assistant Secretary Sunshine Charry Fajarda at former DepEd SDO Edward Fajarda. —sa panulat ni Ed Sarto