Nakarating na sa Dubai para sa layover ang chartered plane flight RP-C5219 na sinasakyan ni former President Rodrigo Duterte.
Ayon sa flightradar.com, lumapag sa Al Maktoum International Airport sa Dubai ang eroplano 8:03 ng umaga kanina (Philippine time).
Siyam na oras ang itinagal ng ng biyahe mula Villamor Airbase sa Pasay City hanggang Dubai.
Tumagal ng mahigit isang oras ang layover bago ito muling lumipad patungo na ng Rotterdam The Hague Airport sa the Netherlands.
Inaasahan na alas-2 ng hapon oras sa Pilipinas makakarating ang dating pangulo sa The Hague.