dzme1530.ph

Cagayan, niyanig ng magnitude 5.7 na lindol —PHIVOLCS

Niyanig ng Magnitude 5.7 na lindol ang Calayan, Cagayan kaninang umaga.

Batay sa datos ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naitala ang epicenter ng lindol sa kanlurang bahagi ng Dalupiri island kaninang 7:32 ng umaga.

May lalim ang lindol na 43 kilometers at tectonic ang pinagmulan.

Naitala naman ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:

Intensity III – Pasuquin, Ilocos Norte; at San Antonio, Zambales

Intensity II – Laoag City, Ilocos Norte; Narvacan, Ilocos Sur; at Ilagan, Isabela;

Intensity I – Penablanca at Gonzaga, Cagayan; Batac, Ilocos Norte; Sinait, Ilocos Sur; at Santol, La Union

Samantala, sinabi ng PHIVOLCS na wala silang inaasahang matinding pinsala mula sa lindol ngunit posible ang mga aftershock.

About The Author