Nalapamsan ng Bureau of Customs (BOC) ang kanilang revenue target para sa first quarter ng 2023 ng P16.6-B.
Batay sa datos ng ahensya, umabot sa P213.69-B ang kabuuang revenue na nakolekta sa unang tatlong buwan ng taong ito, mas mataas ng 8.43% kumpara sa target na P197.020-B.
Iniuugnay naman ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio ang mataas na koleksyon sa 5-point priority programs ng BOC na nakatutok sa digitalization ng mga proseso ng Customs, pagpapasimple ng mga pamamaraan, pagsugpo sa smuggling, at pagpapabuti ng kapakanan at pag-unlad ng mga empleyado.