dzme1530.ph

Budget deficit ng national government, nabawasan noong 2023

Lumiit ang budget gap ng national government noong 2023.

Batay sa datos mula sa Bureau of Treasury, bumaba ng 6.32% o sa P1.51 trillion ang budget deficit noong nakaraang taon mula sa P1.61 trillion noong 2022.

Gayunman, mas mataas ito ng 0.85% kumpara sa  P1.499-trillion ceiling na itinakda ng Development Budget Coordination Committee (DBCC).

About The Author