Inaasahan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na makakapagtala ang bansa ng mas mababang Balance of Payments Deficit (BOP) ngayong taon at sa 2024 kumpara noong 2022.
Ayon sa BSP, posibleng bumaba ang BOP ng Pilipinas sa $1.6-B ngayong taon, mas mababa sa naunang pagtaya na $5.4-B, at naiulat na $7.3-B noong 2022.
Ito ay dahil sa mahinang global economic activity at mataas na inflation bunsod ng giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine, at COVID-19 pandemic.
Samantala, posibleng umabot sa $100-B ang Gross International Reserves ng bansa ngayong taon mula sa $96-B noong nakaraang taon.