dzme1530.ph

Bodega ng mga bala sa Indonesia, sumabog

Mahigit 130 pamilya ang inilikas matapos sumabog kamakailan ang isang bodega ng mga bala ng militar sa Jakarta, Indonesia.

Nangyari ang pagsabog sa warehouse na pagmamay-ari ng Jayakarta Regional Military Command sa Ciangsana Village, Bogor Regency, West Java province.

Sinabi ni Mohamad Hasan, military chief sa Jakarta City na 27 fire trucks ang kanilang idineploy para ma-apula ang sunog.

Sa ngayon, nagsasagawa aniya sila ng cooling down process upang masiguro na wala ng fire spot sa naturang bodega.

Inaalam din ng mga otoridad kung ang expired na bala ang dahilan ng pagsabog.

About The Author