Ang essential oils ay maaring gamitin sa aromatherapy, na isang uri ng complementary medicine, na gumagamit ng pang-amoy para bumuti ang kalusugan o ipinampapahid sa balat.
Lumabas sa mga pag-aaral na nakatutulong ang essential oils na pampaganda ng mood; nakababawas ng stress; nakakadagdag sa attentiveness sa trabaho; nakagaganda ng tulog; pumapatay ng bacteria, funguses at viruses; nakababawas ng anxiety, kirot at pagkahilo; at nagpapahupa ng sakit ng ulo.
Kabilang sa essential oils ay lavander, tea tree, frankincense, peppermint, eucalyptus, lemon, lemongrass, orange, rosemary, bergamot, at cedarwood.