Nagsanib-pwersa ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at ilang malalaking grupo ng mga bangko sa paglulunsad ng Cyber Hygiene Campaign.
Ayon sa BSP, katuwang ang Bankers Association of the Philippines (BAP) at Bank Marketing Association of the Philippines (BMAP) ay iro-rollout ang check-protect-report Information Drive na layuning ma-protektahan ang mga Pilipino laban sa Online Scams.
Ang salitang “check” ay tungkol sa maingat na pagbabahagi ng mga impormasyon sa online, ang “protect” ay ang hindi pagsheshare ng personal data sa random text messages o emails, habang ang “report” ay ang pagdudulog sa mga bangko o awtoridad ng mga kadudadudang transaksyon.
Sa harap ng pagsigla ng digital transactions ay patuloy na nakikipagtulungan ang banking industry sa regulators, legislators, at law enforcement agencies para masawata ang cybercrime activities at maprotektahan ang publiko.